Matagumpay ang unang pagsama ng Brazilian jiu-jitsu sa SEA Games, salamat kay Meggie Ochoa matapos niyang mapanalunan ang ginto sa women’s -45 kg division. Mark Demayo, ABS-CBN News
SAN FERNANDO, Pampanga—Bagamat marami na siyang nilahukang international competition, iba pa rin ang pakiramdam ng lumaban sa harap ng mga kababayan, ayon ito sa premyadong jiu-jitsu fighter na si Meggie Ochoa.
Matagumpay ang unang pagsama ng Brazilian jiu-jitsu sa Southeast Asian Games, salamat sa 29 anyos na fighter matapos niyang mapanalunan ang ginto sa women’s -45 kg division.
“From the start of the year pa lang nasa utak ko na rin ang SEA Games,” ani Ochoa.
“Kasi kahit sabihin ng mga tao na SEA Games lang ’yan iba pa rin kasi kung lalaban ka sa sariling bayan, mismong dito, ’yung mga taong mahal mo pinapanood ka, sinu-support ka.”
Dagdag pa ni Ochoa, hindi porke’t regional competition ang SEA Games ay dapat nang maliitin ang mga kalaban.
“Kasi ’yung mga malalakas na na kalaban nandito rin, so hindi ko iniisip na mas madali ang laban. Ang ng laban ay laban,” aniya.
Marami nang nasalihang patimpalak sa ibang bansa si Ochoa.
Nanalo na siya ng bronze medal sa 2018 Asian Games at Jakarta. Siya rin ang kauna-unahang Asyanong nanalo ng ginto sa Jiu-jitsu International Federation World Championship na ginanap sa Sweden.
Para sa iba pang balitang pampalakasan, bisitahin ang ABS-CBN Sports website.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Southeast Asian Games, SEA Games, 2019 SEA Games, 30th SEA Games, Philippine SEA Games, PH SEA Games, SEA Games featured, Meggie Ochoa, jiu-jitsu, Tagalog news