#SEAGames2019: Yolanda survivor nakahanap ng pag-asa sa dragonboat rowing | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

Sports

#SEAGames2019: Yolanda survivor nakahanap ng pag-asa sa dragonboat rowing

#SEAGames2019: Yolanda survivor nakahanap ng pag-asa sa dragonboat rowing

Dennis Gasgonia,

ABS-CBN News

Clipboard

Nagpupursige si Joanna Barca, 15, bilang miyembro ng national team para makatulong sa pamilyang naapektuhan ng matinding bagyo sa Leyte. Mark Demayo, ABS-CBN News

Taong 2013 nang nawalan ng tahanan si Joanna Barca at ang kaniyang pamilya dahil sa hagupit ng bagyong Yolanda sa Leyte.

Mangingisda ang ama ni Barca kaya nakatira sila sa tabing dagat noon. Kasama ng matinding daluyong na hatid ng bagyo, inanod ang bahay at ari-arian nila.

“Walang makain, walang mainom at walang mausot. Talagang washed out talaga kami,” ani Barca na 9 na taong gulang palang noong tinamaan sila ng trahedya.

Pilit na bumangon ang pamilya nang mga sumunod na mga taon at nitong 2018, nakahanap ng pagkakataon si Barca.

ADVERTISEMENT

Bumisita sa Leyte ang mga scout ng national canoe-kayak at dragonboat team para maghanap ng mga bagong rower.

At dahil may karanasan siya sa pagsagwan, naisip ni Barca sumali.

Ngayon, isa siyang ganap na miyembro ng Philippine national dragonboat team na lumahok sa kasalukuyang Southeast Asian Games. Siya ang pinakabatang miyembro sa edad na 15.

Aminado siyang, hindi naging madali ang training para maging parte ng national team.

“Kasi sumasagwan din ako doon sa Leyte, pero dito mas proper ang pagsagwan. Dito talaga ako natuto,” kuwento niya. “Kailangan ko ring magpursige talaga para makatulong sa pamilya, lalo na kalagayan ng nanay ko.”

Bilang parte ng koponan, nakakatanggap na siya ng allowance na ipinapadala niya sa kanyang pamilya.

Nangangarap din siyang makapagpatayo ng bahay malayo sa dagat kung saan ligtas ang pamilya sa bagyo.

“Malapit din masyado sa dagat ang tirahan namin, kaya kailangang mailipat ang bahay malayo roon,” aniya.

Para sa iba pang balitang pampalakasan, bisitahin ang ABS-CBN Sports website.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.