'Battle of Katipunan' 2? UP nangakong 'mas gagalingan' sa UAAP season 82

ABS-CBN News

Posted at Dec 06 2018 09:18 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Bagama't pinakita ng Ateneo ang kanilang championship experience sa pagdomina sa finals series ng UAAP basketball, nangako ang University of the Philippines Fighting Maroons na babalik sila nang mas malakas sa susunod na taon.

Sa kabila ng pagpapasalamat sa unang finals appearance ng koponan matapos ang 32 taon, nangako si Juan Gomez De Liaño ng UP ng mas malakas na showing sa susunod na taon.

"We exceed the expectations so I am still happy that we made it to the finals. I can't wait for next year," ani De Liaño sa post-game conference matapos ang kanilang 99-81 loss noong game 2.

Hati naman ang naramdaman ni UP captain Paul Desiderio sa pagkarating sa finals.

"Halong masaya at malungkot. Last year ko na, gusto ko mag-champion din pero ganun talaga eh, may mananalo may matatalo at least umabot ako," ani Desiderio.

Todo-puri rin si Ateneo coach Tab Baldwin sa pinakita ng Fighting Maroons.

"Credits to every single one of them. They were a tough opponent. We had a hard time shutting them down and it won't get any easier," ani Baldwin.

Matapos ang laro, agad na pinuri ni UP coach Bo Perason ang kaniyang koponan.

"You need to be proud of yourselves. We were in the finals. Nobody expected us to be here. You have achieved so much. You have sacrificed so much... We will be better," aniya sa huddle matapos ang laro.

Tingin ng ilang eksperto at player na maghaharap muli sa finals ang Ateneo at UP sa Season 82, lalo na't papasok ang ilang "blue-chip" recruit tulad nina Kobe Paras at Ricci Rivero.

Para sa dating Ateneo Blue Eagle na si Chris Tiu, kaabang-abang ang Fighting Maroons sa susunod na taon.

"UP for sure are rather a young team but they play with a lot of confidence now. Next year is gonna be exciting for them," aniya.

Para naman sportscaster na si Mico Halili, malakas ang potensiyal ng UP.

"Pinakita ng Ateneo na they are the better team but itong UP team their future is so bright. They have talented players, crowd support.

Magkakaroon ng bonfire celebration para sa lahat ng Ateneo sports teams sa Disyembre 14, isang selebrasyon bago ang kampanya na maka-3 peat sa UAAP basketball sa season 82.

-- Ulat ni Dyan Castillejo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.