Pilipinas humakot ng ginto sa ika-4 na araw ng 30th SEA Games

ABS-CBN News

Posted at Dec 04 2019 08:04 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Bumuhos ang gintong medalya sa Pilipinas sa mga larong obstacle course race, shooting, at weightlifting nitong Miyerkoles o ika-4 na araw ng 30th Southeast Asian Games (SEA Games).

Kaya sa pinakahuling opisyal na bilang pasado alas-7 ng gabi, 56 na ang gintong medalya ng bansa, 40 ang silver, at 23 na bronze. Nasa ika-2 puwesto pa rin ang Vietnam.

ASIAN GAMES SA PINAS?

Ayon naman kay Philippine Sea Games Organizational Committee (Phisgoc) chair at House Speaker Alan Peter Cayetano, irerekomenda niya kay Pangulong Rodrigo Duterte na mag-bid ang Pilipinas para mag-host sa Asian Games sa taong 2030. 
 
"Ang maganda sa Asian Games, hindi kailangan all in the same area, so for Asian Games, you can actually build Visayas-Mindanao facilities and southern and northern Luzon," paliwanag ni Cayetano. —Ulat ni Willard Cheng, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
2019 SEA Games