Indonesian Wushu athlete nalaman ang pagpanaw ng ama matapos masungkit ang 2 ginto

ABS-CBN News

Posted at Dec 04 2019 01:56 PM | Updated as of Dec 04 2019 03:36 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Edgar Xavier Marvelo (@edgarmarvelo) on

Magkahalong tuwa at lungkot ang pagkapanalo ng atleta ng Indonesia sa Daoshu at Wushu events sa World Trade Center nitong Martes sa 30th Southeast Asian Games.

Ito'y matapos mabalitaan ni Edgar Xavier Marvelo ang pagkamatay ng kaniyang ama matapos lamang masungkit ang dalawang ginto sa palaro.


 

Sa isang post sa official Facebook account ng 2019 SEA Games Miyerkoles ng umaga, nabanggit na pumanaw ang ama ng atleta habang siya ay nagko-compete.

Ipinaalam na lamang sa kaniya ang balita matapos na manalo ng ginto.

Hindi naman nasabi sa post kung ano ang ikinamatay ng kaniyang ama.

Umabot na sa 7,000 reactions at higit sa 200 komento ng pagbati at pakikiramay ang post ng 2019 SEA Games sa Facebook.

Nasa ika-apat na ranggo sa medal tally ng SEA Games ang Indonesia na may 12 gold, 20 silver, at 21 bronze.

For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
2019 SEA Games