Pilipinas humakot ng ginto sa unang araw ng 30th SEA Games

ABS-CBN News

Posted at Dec 01 2019 06:55 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Nangunguna ang Pilipinas sa pinakamaraming nakamit na medalya sa unang araw pa lang ng 30th Southeast Asian Games (SEA Games) nitong Linggo.

Ayon sa official count, 13 gold medals na ang nakuha ng Pilipinas, pero may mga ulat na umabot na ito sa 19 nitong gabi.

Watch more in iWant or TFC.tv

Sa dancesport pa lang, 8 medalya na ang nakamit ng Philippine team, kung saan 13 medalya ang nakataya.

Sa sepak takraw, panalo ang Pilipinas sa laban kontra Indonesia sa women’s hoop event, 670-660, para iuwi ang ginto. Nanalo rin ang men’s team laban sa Laos, 670-430.

Sa arnis, overall champion ang men’s division dahil sa 4 na gintong medalya.

Naka-ginto si Dexter Balambao nang talunin ang Myanmar sa bantamweight division. Panalo rin si Niño Mark Talledo sa featherweight division laban sa Vietnam.
 
Nakaginto rin sina Villardo Cunamay sa lightweight division at Mike Bañares sa welterweight division.

Watch more in iWant or TFC.tv

Sa triathlon, naka back-to-back win ang Pilipinas sa men’s individual triathlon at sa women’s triathlon.

Naka-ginto rin si Agatha Wong sa women’s taichi quan sa wushu.

Samantala, tinambakan ng women’s team ng Gilas Pilipinas ang Myanmar, 21-4, para sa una nilang panalo sa 3 on 3 basketball. Tinalo rin nila ang Indonesia, 16-13.
 
Sa men’s division, tinalo naman ng Pilipinas ang Vietnam, 21-15.

Watch more in iWant or TFC.tv

Hindi naman binigo ni world gymnastics champion Carlo Yulo ang kaniyang mga tagahanga nang magpakitang gilas siya at makamit ang gintong medalya sa individual all-around event sa men's artistic gymnastics.

—May ulat nina Willard Cheng, Dyan Castillejo, Jeff Canoy, at Gretchen Fullido, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
2019 SEA Games