Mayweather sa Instagram: ‘Coming out of retirement in 2020’

ABS-CBN News

Posted at Nov 22 2019 05:05 PM | Updated as of Nov 22 2019 05:17 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Floyd Mayweather (@floydmayweather) on

Matapos niyang sabihing tapos na siya sa boksing, tila binabawi na ni Floyd Mayweather Jr. ang kaniyang desisyon.

"Coming out of retirement in 2020," aniya sa Instagram, kung saan naka-disable pa ang comments section nito.

Huling lumaban sa isang exhibition si Mayweather noong Dec. 31, 2018, kung saan tinalo niya si Japanese kickboxer Tenshin Nasukawa sa loob lang ng isang round.

Ilang beses na siyang hinamon sa rematch ni Manny Pacquiao, pero todo ang pagtanggi ni Mayweather.

“I’ve got calls to get back into the ring, but my health is my wealth,” pahayag ni Mayweather sa Reuters nito lang Martes. 

“Boxing is a very, very brutal sport. In the last few years a lot of fighters have died inside that squared circle. You have got to know when to hang it up. I had a great career.”

Subalit, dagdag ni Mayweather bukas pa rin ang pinto niya sa mga exhibition na laban.

“I make great money doing exhibitions, between $10 and $30 million,” kuwento ng dating world champion.

“I think I make more doing that than most fighters make fighting.”

Pero parang nag-iba ang ihip ng hangin nang magkita sila ni UFC executive Dana White kamakailan.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Floyd Mayweather (@floydmayweather) on

"@danawhite and I working together again to bring the world another spectacular event in 2020," post ni Mayweather.

Minsan na rin siyang napalaban sa isang MMA fighter nang talunin niya si Conor McGregor sa isang boxing match.

(For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.)

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.