PH Sports Commission nagulantang sa halaga ng SEA Games cauldron

Paul Palacio, ABS-CBN News

Posted at Nov 20 2019 07:13 PM | Updated as of Nov 20 2019 09:27 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

DAVAO CITY — Nalula si Philippine Sports Commission (PSC) chairman Butch Ramirez nang matuklasang aabot sa P45 milyon ang ginastos ng pamahalaan sa gagamiting cauldron sa 30th Southeast Asian Games (SEA Games).

"Hindi namin alam na ganun kamahal 'yong cauldron... [H]indi rin namin alam na magiging isyu 'yan," ani Ramirez.

Ipinaubaya na ni Ramirez sa Commission on Audit (COA) ang paghusga kung kalabisan ang ipinagawang cauldron.

"I don't want to comment . . . I have high respect to the leadership of the organizing committee. [W]e will leave it to COA to appreciate whether it is excessive or extravagant," ani Ramirez. 

Gayunpaman, dumipensa si Pangulong Rodrigo Duterte sa naging gastos sa cauldron, na disenyo ng National Artist for Architecture na si Francisco Mañosa.

"There can never be corruption in that situation because you commissioned a national artist... Si Mañosa was commissioned by the government to create 'yung nakita mo 'yung kaldero ngayon. It is the product of the mind. You cannot estimate na lugi ka because it is the rendition of the mind of the creator," paliwanag ni Duterte. 

Nakahanda naman si Ramirez na humarap sa ano mang imbestigasyon para malaman ng mga Pilipino ang katotohanan ukol sa kontrobersiyal na cauldron.

Para sa iba pang balitang pampalakasan, bisitahin ang ABS-CBN Sports website. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.