MPBL: Head coach ng QC Capitals at kaniyang staff, nagsipag-resign

Dennis Gasgonia, ABS-CBN News

Posted at Nov 14 2019 12:21 AM

Biglaang nagbitiw ang coaching staff ng Quezon City Capitals pagkatapos ng sunod sunod na pagkatalo sa MPBL Lakan Cup.

Pinangunahan ni head coach Vis Valencia ang nasabing "exodus" paalis ng koponan.

Sumama sa mass resignation din ang mga miyembro ng coaching staff na sina Nel Parado, EJ Deveza, GP Valencia, FRo Labrador at Jayson Santos.

"It is true sir I resigned and my coaching staff. I resigned Nov. 8," ani Valencia sa panayam sa ABS-CBN News kung saan kinompirma niya ang development na una niyang ipinost sa social media.

"I have to attend to family matters. My other coaches have to attend to their work and business."

Ayon kay MPBL commissioner Kenneth Duremdes, tumawag si Valencia sa kaniya para ibalita ang kanilang desisyon.

"Tinawagan niya kami before siya maghain ng resignation," ani Duremdes.

Bagamat aminado si Duremdes na hindi nila inasahan na mass resignation ang magaganap, aniya, karaniwan nang sumasama ang mga deputy kapag nag-resign ang head coach.

Sa isang mensaheng ipinost niya sa Facebook, nagpasalamat naman si Valencia sa Capitals management.

“After more than two seasons as head coach of the Quezon City Capitals, I together with my coaching staff, have decided to step down and relinquish our positions effective immediately due to personal reasons," ani Valencia.

"We would like to take this opportunity to thank the QC Capitals owners, management, sponsors, players, and fans for all the support and memories. We wish them good luck in the ongoing Lakan season. Go Capitals!”

Dating playoff contender ang koponan na nahirapan ngayong season pagkatapos ng pag-alis ng kanilang key players.

Ilan sa mga itrinade nila sina Hesed Gabo, Andoy Estrella at Jay Collado.

Nagawa nilang maisama rin sina Aaron Black at Tonino Gonzaga sa team pero maging sila inilipat din ng koponan.

Kasalukuyang 8-13 ang win-loss record ng QC.

For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.