PBA: Terrence Romeo ‘inspired’ matapos maging bagong ama

ABS-CBN News

Posted at Oct 27 2018 07:59 PM | Updated as of Oct 27 2018 08:18 PM

Isang bagong baby ang nagbibigay umano ngayon ng inspirasiyon kay Terrence Romeo, inamin ng TNT guard Biyernes. File/PBA Media Bureau

Isang bagong baby ang nagbibigay umano ngayon ng inspirasiyon kay Terrence Romeo, inamin ng TNT guard Biyernes.

“Inspired ako. May baby na talaga ako, pero hindi ko pa nadadala (sa game), minsan sa game dadalhin ko,” pahayag ni Romeo sa isang artikulong ipinost sa Spin.ph.

Limang buwan na si Terrence Jr., at dagdag ng kaniyang ama na sabik siyang umuwi agad matapos ang ensayo ng team para makasama ang anak.

Ayon pa kay Romeo, umiiwas na siya ngayon sa anumang gulo para maging magandang halimbawa sa anak.

"Ayaw ko na paglaki niya iba ‘yung maging tingin niya sa akin,” ani Romeo. “Kaya gusto ko makalakihan niya ang tamang attitude na matured attitude."

Kasalukuyang 4-6 ang TNT sa PBA Governors' Cup at nasa bingit ng elimination.

Para sa iba pang balitang pampalakasan, bisitahin ang ABS-CBN Sports website.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.