NBA: Giit ni Westbrook, walang alitan sa pagitan nila ni Harden

ABS-CBN News

Posted at Oct 25 2019 10:59 PM

Paliwanag ni Westbrook, hindi big deal ang nangyaring komprontasiyon sa pagitan nila ni Harden sa Rockets-Bucks game nitong Huwebes. Bill Baptist, NBAE/Getty Images/AFP

Kung tingin ng mga manonood ay may namumuong isyu sa pagitan nina James Harden at Russell Westbrook, agad itong itinanggi ng Houston Rockets duo.

Sa first half ng laro ng Rockets at Milwaukee Bucks nitong Huwebes, makikitang may di pagkakaunawaan ang dalawang MVP.

Paliwanag ni Westbrook, hindi big deal ang nangyaring komprontasiyon.

“The animation is because we were talking about something, but don’t deep dive too much into it,” ani Westbrook.

“Like I told you, there’s nothing that nobody around the world, media, anybody [will] be able to [do to] get in between what we had because we’ve had it for so long.”

Talo ang Rockets sa Bucks 117-111.

Nagtala lamang ng 19 points si Harden sa 2-of-13 field-goal shooting, habang may 24 points, 16 rebounds at 7 assists si Westbrook.

Para sa iba pang balitang pampalakasan, bisitahin ang ABS-CBN Sports website.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.