PBA trade: Mike DiGregorio sa TNT na; Blackwater kuha si Heruela

ABS-CBN News

Posted at Oct 19 2019 04:59 PM

Inaasahang palalakasin pa ni Mike DiGregorio ang backcourt ng TNT na patuloy na pinangungunahan nina Jayson Castro at Roger Pogoy. PBA Media Bureau

Tila naka-jackpot ang TNT sa pagkakakuha nito kay Mike DiGregorio mula sa Blackwater sa isang trade na inaprubahan ng PBA commissioner's office nitong Sabado.

Isang solid na guwardiya si DiGregorio sa panahon niya sa Elite, at sinuklian ng liga ang kaniyang consistent performance sa pamamagitan ng pag-nominate sa kaniya bilang Most Improved Player noong 2017.

Inaasahang palalakasin pa ni DiGregorio ang backcourt ng TNT na patuloy na pinangungunahan nina Jayson Castro at Roger Pogoy.

Kilala namang bench player si Heruela na nakapanalo ng 4 na championship sa San Miguel Beer.

Sa kasalukuyang 2019 PBA Governors' Cup, league-leading na 7-0 ang kartada ng TNT, samantalang 2-4 naman ang Blackwater.

Para sa iba pang balitang pampalakasan, bisitahin ang ABS-CBN Sports website.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.