Matapos ang rambol sa McGregor-Nurmagomedov, walang sorry mula sa MMA boss?

ABS-CBN News

Posted at Oct 09 2018 06:57 PM

Para kay Khabib Nurmagomedov, na tinalo si Conor McGregor nitong Sabado, itinuturing niyang "respectful sport" ang mixed martial arts. Stephen R. Sylvanie, USA Today Sports/Reuters

"That's the fight business." 

Ito ang naging pahayag ng presidente ng Ultimate Fighting Championship (UFC) na si Dana White ukol sa nangyaring gulo matapos ang pagkagupo ni Conor McGregor sa kamay ni Khabib Nurmagomedov nitong Sabado. 

Tila mas matatandaan ang gabi dahil sa nangyaring rambol matapos talunin ni Nurmagomedov si McGregor sa kanilang world lightweight title bout.

Sinugod ni Nurmagomedov ang ilang tropa ni McGregor na bahagi ng crowd, habang ilan naman sa grupo ni Nurmagomedov ang umatake kay McGregor.

Inamin ni Nurmagomedov na di niya nagustuhan ang pangungutya ni McGregor sa kaniya na itinuturing niyang below the belt.

"He [McGregor] talked about my religion, he talked about my country, he talked about my father. He came to Brooklyn and he broke a bus, he almost killed a couple of people," ani Nurmagomedov.

Ipinahayag ni White ang kaniyang pagkadismaya sa nangyaring rambol, ngunit aniya normal lang ang tinatawag na trash talk sa sports.

"There is trash-talking in every sport. They do it in the NBA and the NFL. They do it in baseball," wika ni White sa press conference.

"That is never going to change here. We're never going to tell anybody what they can or can't say. That's never going to change."

Para naman kay Nurmagomedov, itinuturing niyang "respectful sport" ang mixed martial arts.

"I want to change the game, you cannot talk about religion, about nationality," dagdag niya.
 
Para sa iba pang balitang pampalakasan, bisitahin ang ABS-CBN Sports website

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.