500 siklista, nagpasiklab sa mountain bike challenge sa Rizal

ABS-CBN News

Posted at Oct 08 2017 03:49 PM

SAN MATEO, Rizal - Walang takot na sinuong ng mga cycling enthusiast ang mga nakalululang trail at pa-zigzag na daan sa bayang ito nitong Linggo. 

Halos 500 siklista ang lumahok sa pinakaunang XCO Montain bike Challenge, kabilang ang ilang professional cyclist tulad ng 21 anyos na si Arianna Dormitorio, 2017 champion ng Asia Mountain Bike Series.  

Tuloy-tuloy ang training at mga sasalihang kompetisyon ni Arianna para mag-qualify sa Asia Mountain Bike Series sa 2020 Olympics. 
 
"The 2020 Olympics is still a long way to go but it is better to start early," ani Dormitorio sa panayam ng DZMM. 

Nagpakitang gilas din sa mountain bike challenge ang 9 taong gulang na kapatid ni Dormitorio na si Lexi. 

Aniya, "It's a bit hard in the first part, a bit of crashes because you need to balance. But when you get into it more, it's gonna be easier." 

Kasama rin sa event ang 10 taong gulang na si Mico Villamor na nagsimulang mahilig sa pagbibisikleta sa edad na 4. 

Payo niya sa mga kapwa batang gustong subukan ang cycling, "Train harder, [practice] discipline." 

Hinimok naman ng ama ni Dormitorio na si Coach Donjie ang publiko na subukan ang cycling na dapat din aniyang suportahan ng pamahalaan.

"Mountain biking is one sport that can really be a medal source for us in the Olympics. We just need to make it more known here," paliwanag ng coach. -- Ulat ni Jeff Hernaez, ABS-CBN News 

(For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.)

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.