PatrolPH

PBA: Beau Belga nagbukas ng ‘sari-sari store’ sa loob ng bubble

ABS-CBN News

Posted at Oct 02 2020 06:07 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Beau Belga (@bigbeaubelga) on

Nagbukas ng "sari sari store" si Beau Belga sa hotel na kanilang tinutuluyan sa loob ng PBA bubble sa Clark.

Nagmistulang hitsurang tindahan ang isang parte ng kuwarto ng Rain Or Shine center sa Quest Hotel dahil sa dami ng kaniyang binaon na delata, pagkain at kung ano ano pa.

Parte lang daw ito ng paghahanda sa kanilang mahabang stay sa PBA bubble kung saan limitado ang pagpasok at paglabas ng mga tao bilang bahagi ng COVID-19 protocols.

Magsisimula ulit ang aksyon sa PBA Philippine Cup sa Oktubre 11 sa Angeles University Foundation Gym at inaasahang aabot ang mga laro sa Disyembre. 

Bumisita pa nga si James Yap sa lugar ng kaniyang Rain Or Shine teammate para "bumili" ng sabon. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ryan Araña (@ryanarana) on

"Nabayad" siya ng P1,000 para sa anim na sachet ng sabong panlaba.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.