Ex-PBA star Paul Alvarez, nanuntok sa bar

ABS-CBN News

Posted at Oct 02 2016 07:39 PM

Paul Alvarez. File Photo

Arestado ang dating Philippine Basketball Association (PBA) player na si Paul Alvarez matapos umanong manggulo at makipagsuntukan habang nakikipag-inuman sa isang bar sa Sgt. Esguerra, kanto ng Timog Avenue sa Barangay South Triangle, Quezon City Linggo.

Base sa inisyal na imbestigasyon, kasama ni Alvarez ang kanyang live-in partner nang bigla na lamang naghamon ng gulo at sinuntok ang biktimang si John Mendoza.

Giit ni Alvarez, hindi umano siya nakainom.

Kasalukuyang nakakulong si Alvarez sa Quezon City Police District (QCPD) Station 10. Kakaharapin niya ang kasong physical injuries.

Kinumpirma rin ni Police Supt. Pedro Sanchez, hepe ng QCPD Station 10, na kabilang si Alvarez sa kanilang drug watchlist. - Ulat ni Angel Movido, DZMM

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.