Francisco, Alegado pasok sa finals ng skateboarding park

ABS-CBN News

Posted at Sep 24 2023 07:28 PM

Ang Pinoy skateboarder na si Jericho Francisco Jr. Kuha mula sa kanyang Instagram
Ang Pinoy skateboarder na si Jericho Francisco Jr. Kuha mula sa kanyang Instagram

Pumangatlo si Jericho Francisco Jr. at pumangpito naman si Mazel Paris "Maze" Alegado sa skateboarding park qualification ng 19th Asian Games, Linggo sa QT Roller Sports Centre sa Hangzhou, China.

Nagbaon si Francisco ng 77.86 sa run 2 mula sa 2.06 sa run 1 sa likuran nina Yuro Nagahara (43.13, 81.80 points) at Kensuke Sasaoka (43.13, 79.81) ng kapwa Japan.

Nasa Top 8 din sina Chinese Ye Chen (76.58, 56.10), Koreans Jin Han Jae (57.06, 51.10) at Gang Ho Moon (54.23, 25.18), hometown bet Mingxiao Li (44.71, 52.11) at Brian Upapong ng Thailand (2.00, 47.46).

Pumoste ang siyam na taong gulang na si Alegado ng 56.96 sa run 2 makaraang mag-44.86 sa run 1. 

Si Hinano Kusaki ang bida sa qualification sa 78.06 pts., kabuntot sina Mao Jiasi ng host country (77.06) at kababayang si Kusaki na si Mei Sugawara (75.33).

Pasok din sina Hyunju Cho ng Korea (70.36), Yi-Fan Lin ng Taiwan (62.00), Indonesian Bunga Nyimas (41.30) at Thai Orapan Tongkong (36.51).

Papalag sa gintong medalya sina Francisco at Alegado ngayong Lunes.

Alas-dose y medya ng tanghali ang men’s event finals habang alas-9:30 ng umaga ang women’s side.

Martes pa ang rampa ni Margielyn Didal kasama sina Mark Renzo at John Flory sa women’s at men’s street heat.

Si Didal ang defending champion sa kanyang event matapos makuha ang gintong medalya sa 2018 Asian Games sa Palembang, Indonesia. 

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC