PatrolPH

MPL Season 10: Early playoff seat malaking ginhawa para sa Omega

Angela Coloma, ABS-CBN News

Posted at Sep 23 2022 11:47 PM

MPL Philippines
MPL Philippines

MAYNILA - Kalimitang sa huling parte ng MPL season nakukuha ng Omega Esports ang slot sa playoffs. 

Pero ngayon, mas maaga nilang nakuha ang kanilang playoff spot matapos talunan ang Nexplay EVOS sa kanilang MPL Season 10 matchup sa ICITE Auditorium sa Quezon City. 

Laking ginhawa para sa Omega roamer na si Joshua "Ch4knu" Mangilog na makuha ang playoff seat na kalimita'y nase-secure nila sa huling linggo ng regular season. 

"Sa wakas, nakahinga na rin," pabirong komento ng manlalaro matapos ang kanilang panalo nitong Biyernes. 

Kung tatanungin naman si Omega Esports technical coach Jomie "P4kbet" Abalos, mas magkakaroon sila ng oras na makapahinga. 

"Mas maaga, mas makakapag-prepare kami sa playoffs kasi hindi na kami lumalaban sa last day. Kaya mas maganda siguro na una pa lang, gagalingan na," pahayag ni P4kbet. 

Pang-4 ngayon ang Omega Esports sa season standings matapos makuha ang 19 puntos. Bukod sa Omega, sinelyohan na ng Echo Philippines, Onic PH, at Blacklist International ang kanilang playoffs spot. 

Aminado rin ang batikang coach na mas humihigpit na ang kompetisyon kaya puspusan ang kanilang paghahanda. 

"Sobrang dikit yung mga laban. Hindi mo ieexpect na yung team tatalunin ka. Mga 7th place o 8th place, di mo ieexpect na tatalunin ka," ani P4kbet. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.