'Showtime' nagbigay-pugay sa skateboarder na si Margielyn Didal

ABS-CBN News

Posted at Sep 13 2018 02:31 PM | Updated as of Sep 13 2018 11:53 PM

Watch more in iWantTFC

MANILA -- Nagbigay-pugay ang "It's Showtime" at mga host nito kay Margielyn Didal, ang Pinay skateboarder na nagwagi ng ginto sa 2018 Asian Games.

Nitong Huwebes, mainit na pagtanggap at pagbati ang ibinigay ng Kapamilya noontime show kay Margielyn na game na ginawa ang kanyang signature na "dab."

Sa programa, isang makulit na sagot ang ibinigay ni Margielyn nang matanong sa kanya kung ano na ang nangyari sa mga guwardiya na dati ay nanghuhuli sa kanya tuwing siya ay nag-i-skateboard. 

"Hinabol ako pero may cellphone na, pa-selfie," makulit na hirit ni Margielyn.

For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.