Priority ang paghanap ng Gilas coach sa SEA Games; 2023 World Cup, isusunod

ABS-CBN News

Posted at Sep 12 2019 07:40 PM

Ngayon at nag-resign na si head coach Yeng Guiao, nag-umpisa na ang mga basketball stakeholder ng bansa na maghanap ng papalit sa kaniya bilang lider ng Gilas Pilipinas.

Ayon sa Samahang Basketbol ng Pilipinas, national governing body ng isport, bago pa man mag-umpisa ang Southeast Asian Games sa Nobyembre, may itatalaga na silang bagong head coach.

"The wheels will grind sooner than later, because there is the Southeast Asian Games for one," ani Barrios sa panayam sa "Gametime" nitong Miyerkoles.

"Hindi naman 'yan isang meeting, meron na. It will be a series of meetings and consultations, and the top management will announce the final pick or decision who will coach. I suppose first who will coach the team in the Southeast Asian Games before anything else."

Dagdag ni Barrios, may lineup nang binuo si Guiao para sa SEA Games, na magsisimula sa Nobyembre 30. Halo umano ito ng mga collegiate player at baguhang player sa PBA.

"Of course, that list was submitted by coach Yeng and his staff. Kung sinuman ang ultimate coach will have to review that list," said Barrios.

Ngunit paliwanag niya, gugugulan muna nila ng panahon ang pagpili ng coach na maghahanda sa koponan sa 2023 FIBA World Cup.

"If you're talking semi long term for the Gilas program for the 2023 World Cup, which we are hosting, palagay ko hindi naman iyan mangyayari kaagad but the discussions will start immediately," ani Barrios.

Para sa iba pang balitang pampalakasan, bisitahin ang ABS-CBN Sports website.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.