Maalat na shooting, turnovers pumatay sa Gilas sa FIBA World Cup

ABS-CBN News

Posted at Sep 12 2019 05:55 AM

Tila naiwan ng Gilas ang kanilang shooting accuracy sa Manila. FIBA.basketball

Ano nga ba talaga ang nangyari sa Gilas Pilipinas at laglag na laglag ang kanilang performance sa 2019 FIBA World Cup?

Di kaila sa mga nanoood ng kanilang laro na hirap sila sa shooting, lalo na sa 3-pointers nila.

Base sa datos ng FIBA, ang international governing body ng basketbol, 25.2% lang ang shooting ng Gilas; ibig sabihin sa 143 na ipinukol nila sa 3-point territory, 36 lang ipinasok nila.

Good for 31st sa 32 teams ang 3-point shooting percentage ng mga Pinoy; Puerto Rico (24.0%) lang ang masmababa.

Sa pangkabuuang field-goal shooting, 28th ang Gilas (131 of 342 field-goal attempts, 38.3%).

Maski sa free throws, bagsak din ang numero ng tropa ni head coach Yeng Guiao.

Tie sila ng Angola sa 28th at 29th places na may 75 free-throw attempts lamang sa 5 laro. Senegal, Venezuela at Montenegro ang 3 worst teams sa kategoryang ito.

Sa turnovers at fouls, doon nagtala ng malalaking numero ang mga Pinoy.

May 15 turnovers per game ang average ng Gilas, pangatlong pinaka-marami sa torneo.

Pilipinas (0.9) lamang, kasama ang Angola at Jordan, ang may assist-to-turnover ratio na less than 1. Maituturing na acceptable ang ratio na nasa 1.4 pataas.

Sa average personal fouls, pang-apat ng Gilas (22.4).

Ito ang iba pang mga numero ng Gilas Pilipinas, kasama ang pagkokompara sa performance nila noong 2014 FIBA World Cup:

Para sa iba pang balitang pampalakasan, bisitahin ang ABS-CBN Sports website

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.