Casimero hinandugan ng hero's welcome sa Leyte

ABS-CBN News

Posted at Sep 09 2021 09:01 PM

Kuha ng Merida LGU
Kuha ng Merida LGU

Hinandugan ng maligayang pagsalubong si WBO bantamweight champion Johnriel "Quadro Alas" Casimero sa kanyang pag-uwi sa Leyte.

Bilang pagkilala sa kanyang matagumpay na title defense laban kay Guillermo Rigondeaux, binigyan ng hero's welcome ng lokal na pamahalaan ng Merida sa Leyte si Casimero. 

Kuha ng Merida LGU
Kuha ng Merida LGU

Sakay ng isang magarang pick up, ipinarada sa kanyang hometown si Casimero na kumaway sa kanyang mga kababayan.

Pagkatapos ng motorcade sa kanyang hometown ay sinalubong naman siya ni Merida Mayor Lando Villasencio.
 
Matatandaang tinalo ni Casimero via split decision si Rigondeaux para mapanatili ang WBO title sa kanya. - Sharon Evite Cangayda Carangue

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC