Sa wakas! FIBA idineklara nang lokal na player si Greg Slaughter | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sa wakas! FIBA idineklara nang lokal na player si Greg Slaughter

Sa wakas! FIBA idineklara nang lokal na player si Greg Slaughter

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 08, 2018 05:10 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Idineklara na ng FIBA sa isang pahayag ngayong Sabado na kinokonsidera nang lokal player si Greg Slaughter.

Puspusan ang pag-aayos ni Slaughter sa kaniyang mga dokumento para mapatunayan ang kaniyang citizenship status bilang natural-born Filipino ayon sa alituntunin ng FIBA, ang ahensiyang tagapangasiwa ng international basketball.

Magandang balita para sa Team Pilipinas nang aprubahan ng FIBA ang citizenship status bilang local player si Greg Slaughter. Mark Demayo, ABS-CBN News

Kung hindi ito inaprubahan, ituturing na sanang naturalized Filipino si Slaughter.

Sa mga torneong pinapatakbo ng FIBA, isang naturalized player lang ang pwedeng maglaro para sa national team.

ADVERTISEMENT

Ngayon at wala nang problema sa papeles ni Slaughter, mamimili na lang si coach Yeng Guiao sa pagitan nina Stanley Pringle at Christian Standhardinger para sa upuang naka-reserba sa isang naturalized player.

Para sa iba pang balitang pampalakasan, bisitahin ang ABS-CBN Sports website.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.