TINGNAN: Pacquiao balik-eskwela para kumuha ng political science

ABS-CBN News

Posted at Sep 06 2019 11:34 PM

Tila balik sa pag-aaral si Sen. Manny Pacquiao, matapos niyang ibahagi ang larawan ng kaniyang ID sa Twitter nitong Biyernes.

Nag-enroll umano si Pacquiao sa University of Makati para sa kursong political science at local government administration.

Pinaulanan ng paghanga sa social media si Pacquiao, 40, sa kaniyang desisyong mag-university dahil, kahit malayo na ang narating niya sa larangan ng boxing, politika at pagnenegosyo, binibigyan pa rin niya ng pagpapahalaga ang edukasyon.

Para sa iba pang balitang pampalakasan, bisitahin ang ABS-CBN Sports website.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.