Asian Games: Pinay golfer Yuka Saso, nagwagi ng 2 ginto

ABS-CBN News

Posted at Aug 26 2018 10:29 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Dalawang ginto pa ang naitala ni Yuka Saso sa Asian Games sa Jakarta nitong hapon ng Linggo. 

Nakuha ni Saso, 17 anyos, ang tig-isang ginto sa women's team at individual golf. 

Naka-bronze naman ang Pinoy na si Bianca Pagdanganan sa nasabing kategorya. 

Dahil dito, tatlo na ang naitalang gold para sa delegasyon nitong taon.

Matatandaang nakuha ni Hidilyn Diaz ang unang ginto ng Pilipinas nitong linggo sa weightlifting. 

Bunsod ng dalawang gold medal, umakyat sa pang-14 ang standing ng Pilipinas na may 3-0-10 gold-silver-bronze medal tally. 

PH Volleyball, bigo kontra host Indonesia 

Samantala, bigo namang makakuha ng panalo kontra host team Indonesia ang volleyball team ng Pilipinas sa iskor na 25-20, 25-20, 26-24, 25-22.

Hindi kinaya ng Team Pilipinas ang puwersa ng Indonesian star na si Aprilla Manganang, na nagtala ng 28 puntos sa naturang laro. 

Si Alyssa Valdez naman ang nanguna sa Pilipinas na may 16 puntos. Nakapagtala naman ang dating Lady Bulldog na si Jaja Santiago ng 12 puntos. 

“Talagang gina-gamble namin, kailagan mag-create ng magandang rotation,” ani head coach Shaq Delos Santos,

Nasa 1-3 ang win-loss record ng Pilipinas, at mahaharap sila sa powerhouse na Tsina sa darating na mga araw. 

-- May ulat ni Dyan Castillejo, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.