Daan-daan lumahok sa 'Bayani Run' ng AFP sa Cebu

Donna Lavares, ABS-CBN News

Posted at Aug 25 2019 06:09 PM

CEBU CITY - Aabot sa 300 ang lumahok sa kauna-unahang "Bayani Run" ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Central Command sa Camp Lapu Lapu sa Lahug, Cebu City Linggo.

Kabilang sa mga kategoryang sinalihan ng mga kalahok ang 5-km open female with obstacle course, 5-km open male with obstacle course, at ang 5-km tandem category kung saan isang miyembro ng AFP ang magiging kapareha ng kalahok.

Lahat ng kalahok ay dadaan sa "bayani path" sa loob ng kampo.

"Unlike other cities, Cebu Central Command wanted the Bayani Run to be different. We made the categories for the participants to feel what it is like to be soldier and a hero. This is also to commemorate the National Hero’s Day," paliwanag ni Captain Joe Martinez, ang acting public information officer ng CentCom.

Ang Bayani Run ay isa ring fund-raising event para sa mga benepisyaryo ng Heroes Foundation.

Para sa iba pang balitang pampalakasan, pumunta sa website ng ABS-CBN Sports.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.