Pagsusuot ng dark lipstick, naging 'sandata' ni Hidilyn Diaz sa Asian Games

ABS-CBN News

Posted at Aug 23 2018 05:47 PM | Updated as of Aug 23 2018 09:00 PM

Agaw-pansin ang suot na dark lipstick ni Hidilyn Diaz habang lumalaban sa Asian Games. Kuha ng Reuters

Marami ang humanga sa ipinakitang lakas ng Pinay weightlifter na si Hidilyn Diaz sa Asian Games kung saan naiuwi niya ang gold medal para sa women's 53-kilograms event.

Pero bukod sa pambihirang lakas, naging agaw-pansin ang suot na dark lipstick ng manlalaro. 

Watch more in iWant or TFC.tv

Kuwento ni Diaz, naging "sandata" niya ang dark lipstick na bigay pa ng kaniyang nobyo. 

"Kailangan medyo dark ang lipstick para hindi pale (ang labi) at pampasabi din sa kalaban na 'Oops, hindi ako kinakabahan'. Ganun ang rason bakit kailangan ko mag-make up," ayon sa atleta. 

 

A post shared by Hidilyn Diaz OLY (@hidilyndiaz) on

Inamin naman ni Diaz na na-pressure siya sa gitna ng Asian Games pero ipinasa-Diyos na lamang niya ito.

"Buhat-buhat ko 'yung pressure, doubt, and pain na nararamdaman ko and 'yung fear, 'yung pressure ng buong bansa dala-dala ko kaya sabi ko kailangan ko i-surrender lahat kay God," aniya. 

Sunod namang tututukan ni Diaz ang paglahok sa Tokyo Olympics sa 2020.

—Ulat ni Dyan Castillejo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.