James Yap, ayaw nang pag-usapan pa si Kris Aquino

ABS-CBN News

Posted at Aug 18 2019 05:22 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by James Yap (@jamesyap18) on

MAYNILA -- Basketball, negosyo at pamilya. Dito ngayon umiikot ang oras ng Rain or Shine star na si James Yap.

Ayon sa basketbolista, mas payapa daw ngayon ang kanyang buhay na malayo sa mundo ng showbiz na dating bahagi ng kanyang buhay.

"Mas masaya. Tahimik," tugon ni James sa panayam.

Kuwento pa ng PBA star, nakalaan din sa kanyang Italyanang partner na si Michela Cazzola ang kanyang oras ngayon.

"Kailangan i-manage mo talaga ang time mo kasi 'pag nagbigay ka ng time sa business, kailangan may time ka din sa family mo. Kailangan talaga 'yun para hindi magkagulo," aniya pa.

Nahahati man ng negosyo at basketball ang kanyang oras para sa pamilya, sinisiguro din ni James na may oras siya sa kanyang lumalaking mga anak.

"Kailangan magbigay din ng time sa family, kasi syempre itong business na 'to para sa family. So naiintindihan naman nila ako kung busy dito, kasi para naman to sa kanila," aniya.

Samantala, mas pinili naman ni James na hindi na magsalita pa nang tanungin kung nagkikita pa rin ba sila ng kanyang anak kay Kris Aquino na si Bimby Aquino Yap.

"Ayaw ko na mag-comment. Basketball lang tayo," pahayag pa niya.

Taong 2010 nang tuluyang naghiwalay si Kris at James matapos ang limang taon na kanilang pagsasama bilang mag-asawa.

Para sa iba pang balitang pampalakasan, pumunta sa website ng ABS-CBN Sports.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.