5 batang Pinoy humakot ng medalya sa grappling tournament sa Russia

ABS-CBN News

Posted at Aug 15 2021 01:10 AM

Limang batang Pilipino ang humakot ng mga medalya sa United World Wrestling Junior and Cadets World Grappling Championships 2021 na ginanap kamakailan sa lungsod ng Ufa, Russia.

Nakakuha ng 2 medalya sa grappling at jiu-jitsu ang 15-anyos na si David Zaldarriaga, ng distrito Mandurriao, Iloilo City at kasalukuyan Grade 10 student ng Ateneo de Iloilo.

Nakakuha ng bronze medal sa unang araw ng kompetisyon si Zaldarriaga sa No-Gi (no uniform) competition under-42kg division at sa ika-2 araw naman ay nakuha ni David ang silver medal sa Gi (uniform) competition laban sa bansang Kazakhstan.

Kasama ang apat pang batang Pinoy na pambato ng Pilipinas na nakakuha din ng silver at bronze medal sa kompetisyon na sina Gabrielle del Rosario (silver), Lucas Aguilar (bronze), Joaquin Marte (bronze), at Fier Afan (bronze).

Sa kabuuan ay nakuha ng Pilipinas ang third place sa kompetisyon ng 10 bansa. 

Ipinagmamalaki at masayang ipinakita ng mga batang atleta ang galing ng mga batang Pilipino sa isport. — Rolen Escaniel 

FROM THE ARCHIVES

Watch more on iWantTFC