Jio Jalalon ng Magnolia Hotshots ikinasal sa long-time girlfriend

ABS-CBN News

Posted at Aug 03 2019 12:37 PM

Matapos ang anim na taon na magkasintahan, nauwi na sa kasalan ang samahan nina Magnolia Hotshots playmaker Jio Jalalon at Kristina Apan nitong Biyernes.

Ibinahagi ni Jalalon sa kaniyang Instagram account ang isang video ng kanilang naging paghahanda sa kasal at ginamitan ng hashtag na #TINAdhanakayJIO.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Jio Jalalon (@jalalon6) on

Dinaluhan ang kasalan ng malalapit na kaibigan ng dalawa kabilang ang mga kasamahan ni Jalalon sa Magnolia kagaya nina Marc Pingris at Mark Barroca. Kasama pa ni Pingris ang kaniyang asawa na si Danica.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Marc Pingris (@jeanmarc15) on

Makikita rin sa ilang mga larawan na nakisaksi ang head coach ng team na si Chito Victolero at Alvin Patrimonio. Dumalo rin ang basketbolistang si Rodney Brondial.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Chito-Lore Victolero (@victolero62) on

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Rodney Brondial (@roadknee91) on

Para sa iba pang balitang pampalakasan, bisitahin ang ABS-CBN Sports website.