PatrolPH

Boxer Eumir Marcial sigurado na sa Olympic bronze medal

ABS-CBN News

Posted at Aug 01 2021 06:11 PM | Updated as of Aug 01 2021 06:41 PM

Watch more on iWantTFC

Pinabagsak ng Pinoy boxer na si Eumir Marcial ang kaniyang kalabang Armenian sa quarterfinals ng men's middleweight class sa Tokyo Olympics.

Simula pa lang ng first round laban kay Arman Darchinayan, agad nagpakawala ng suntok sa katawan at ulo si Marcial.

Mabilis na tinapos ni Marcial ang laban sa pamamagitan ng isang right hook para ma-knockout ang kalaban 49 seconds bago matapos ang unang round.

Dahil sa panalo, umusad si Marcial sa semifinals at tiyak nang may bronze medal.

Ito ang pangalawang beses na natalo ni Marcial ang Armenian fighter, na una niyang nakalaban noong 2018 sa World Amateur Championship sa Russia.

Makakaharap ni Marcial si Oleksandr Khyzhniak ng Ukraine sa Huwebes, Agosto 5.

Sa pagkapanalo ni Marcial, 3 Olympic medal ang tiyak na maiuuwi ng Pilipinas.

Nauna nang makakuha ng gold medal si Hidilyn Diaz sa weightlifting. Pasok din sa finals ang boxer na si Nesthy Petecio.

--Ulat ni Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.