Mayweather muling humirit kay Pacquiao sa sagutan nila sa social media

ABS-CBN News

Posted at Jul 24 2019 07:45 PM | Updated as of Jul 24 2019 10:53 PM

Muling sumagot si Floyd Mayweather Jr. kay Manny Pacquiao sa pagpapatuloy ng kanilang bangayan sa social media. Joe Camporeale, Reuters

Muling sumagot si Floyd Mayweather Jr. kay Manny Pacquiao sa pagpapatuloy ng kanilang bangayan sa social media.

Ani Mayweather, kaya lang naman siya nanood nang personal sa laban nina Pacquiao at Keith Thurman ay dahil sa "empleyado" niya si Pacquiao.

"Let's stick to the facts! Bob Arum is no longer your promoter, so when it comes to @mayweatherpromotions & PBC events I’m the HNIC! Bottom line, I make more money than you; I beat you, then I signed you! I was only at your fight supervising you, my employee, as any real BOSS would do," pahayag ni Mayweather sa kanyang latest na social media post.

Ibinandera pa ni Mayweather ang ilang news clipping na pinapakita kung magkano ang kinita niya sa huling laban niya, at kung magkano ang winnings ni Pacquiao sa laban nila ni Thurman.

"You made $10Million for 12 rounds, when I just made $9M in under 3 minutes playing around in an exhibition with a pizza delivery guy! I beat you mentally, physically and financially!" dagdag pa ni Mayweather. 

"Remember, you fight cause you have to, I fight when I want to!"

Tinalo ni Mayweather si Pacquiao noong 2015 sa pamamamagitan ng unanimous decision.

For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.