ALAMIN: Swimming pool workout

ABS-CBN News

Posted at Jul 24 2017 05:31 PM

Maraming mabisang workout ang maaaring gawin sa mababang swimming pool bukod sa paglalangoy o pagtatampisaw sa tubig. 

Maaaring mag-'sprint' at 'backward sprint' sa pamamagitan ng pagpapabalik-balik sa pagtakbo nang paharap at nang patalikod sa swimming pool.

Dahil sa pagkontra ng tubig sa paggalaw na ito ng sa ibabang bahagi ng katawan, nababatak at napapa-tone nito ang mga muscle ng binti at glutes o puwit, pati hita at abs. 

Mas magaang gawin sa tubig ang squats at side leg traps. Ganoon din ang plank variations na maaaring gawin sa tubig man o hindi.

Nakalalakas ng stamina at nakawawala pa ng stress ang pool runs at workout! Presko pa ito at nakagagaan din ng pakiramdam.

-- Ulat ni Dyan Castillejo, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.