Timothy Bradley, may prediksyon sa bakbakang Pacquiao- Thurman

ABS-CBN News

Posted at Jul 19 2019 10:05 AM | Updated as of Jul 19 2019 03:49 PM

WBA welterweight champion Manny Pacquiao (L) and WBA welterweight super champion Keith Thurman pose during a news conference at MGM Grand Garden Arena on July 17, 2019 in Las Vegas, Nevada. The two will meet in a WBA welterweight title fight on July 20 at MGM Grand Garden Arena. Ethan Miller, Getty Images/AFP

MANILA – Para kay dating kampeon at ngayo’y boxing analyst na si Timothy Bradley Jr., gitgitan ang magiging sagupaan sa pagitan ng undefeated champion na si Keith Thurman at fighting Senator ng Pilipinas Manny “Pacman” Pacquiao sa darating na Linggo.
 
Sa pananaw ni Bradley na dati nang naging katunggali ni Pacquiao sa loob ng ring, aabot sa 12 rounds ang laban at mauuwi sa isang kontrobersyal na split decision. 

Kamay ni Thurman ang nakikita niyang itataas ng referee pagkatapos ng bakbakan sa MGM Grand Arena sa Las Vegas dahil aniya mas bata ito at mas malaki. 

“I'm picking Thurman to win this fight because he has a lot of advantages. He's younger, bigger and stronger,” ani Bradley. 

Hindi man aniya ito kasing bilis ni Pacman ngunit magaling umano ang boksingero tyumempo ng suntok lalo pa’t mahusay na counterpuncher si Thurman. 

“Thurman has great timing with explosive counterpunching ability that will keep Pacquiao honest and in the outside 60% of the time,” dagdag ni Bradley. 

Mapapakinabangan din umano ng defending WBA super welterweight champion na si Thurman ang kaniyang IQ sa ibabaw ng lona para malusutan si Pacquiao.

“The other 40% Thurman will use his young legs and ring IQ to box Pacquiao's ears off!” pahayag ng dating boksingero. 

Bago magretiro sa isport, nakaharap pa ni Bradley si Pacquiao ng tatlong beses kung saan nakuha nito ang panalo sa kanilang unang paghaharap. Inangkin naman ni Pacman ang huling dalawang laban. 

Para sa iba pang balitang pampalakasan, bisitahin ang ABS-CBN Sports website.