MPBL: Derek Ramsay naglaro na sa wakas para sa Batangas

ABS-CBN News

Posted at Jul 19 2019 07:15 PM

Masigabong tinanggap ng fans si Derek Ramsay sa Batangas City Coliseum nitong Huwebes, ang unang laro ng celebrity baller sa 2019 MPBL Lakan Cup.

Tinalo nina Ramsay at ng Batangas City Athletics Tanduay ang Caloocan Supremos Victory Liner 80-67.

Isa sa highlights ng laro ay ang undergoal stab ni Ramsay na ikinatuwa ng mga manonood dakong fourth quarter.

Nagtala naman ng 15 points at 11 rebounds si Jason Melano habang may dagdag na 16 points at 9 rebounds si Jhaymo Eguilos para sa ikatlong panalo ng Athletics sa loob ng 4 na laro.

For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.