Barrera at Morales, pabor kay Pacquiao kontra Thurman

ABS-CBN News

Posted at Jul 19 2019 07:26 PM | Updated as of Jul 19 2019 11:37 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Sa kabila ng kaniyang edad, may ilang bentahe si Manny Pacquiao kontra kay Keith Thurman sa kanilang paparating na laban, ayon sa ilan sa kaniyang mga nakalabang boxing legends.

Para kay Eric Morales — na 3 beses nakalaban si Pacquiao magiging bentahe ni Pacquiao ang kaniyang volume punching at experience sa ring. Tingin ni Morales na makakakuha si Pacquiao ng decision o knockout win laban kay Thurman.

Ikinagulat naman ni Marco Antonio Barrera ang patuloy na paglaban ni Pacquiao. Winner by decision ang nakikita niyang resulta ni Pacquiao kontra sa kalaban.

Para kay Barrera, na natalo ni Pacquiao sa 2 beses nilang nagkaharap, magagamit ni Pacquiao ang liksi ng katawan at kamao sa loob ng ring.

Pero may iilang boxers, tulad ni two-time light middleweight champion Winky Wright, na pabor kay Thurman. Pero aniya, kritikal para kay Thurman na mapatama ang kaniyang power punches sa mga unang round.

Kumpiyansa naman ang WBC welterweight champion na si Shawn Porter sa kakayahang manalo ng Amerikanong boxer.

Pero para sa boxing legend na si Ray Boom Boom Mancino, si Pacquiao pa rin ang mananalo sa laban.

Gaya ng ilang boksingero, tingin ng Pinoy boxer na si Nonito Donaire na mananaig ang kaniyang lakas at liksi.
 
Magbabakbakan ang dalawang boksingero sa Hulyo 20 (Hulyo 21 sa Pilipinas.) — Ulat ni Dyan Castillejo, ABS-CBN News

For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.