Rematch kay Pacquiao? Mayweather wala na umanong interes

ABS-CBN News

Posted at Jul 18 2019 12:54 AM | Updated as of Jul 18 2019 01:50 AM

Sa mga fans ni Manny Pacquiao na nangangarap ng rematch kay Floyd Mayweather Jr., masaya na umano ang Amerikanong boksingero sa kaniyang retirement. Wendell Alinea

Wala umanong plano pang lumabas ng retirement si Floyd Mayweather Jr. para haraping muli si Manny Pacquiao.

Ito ay sa kabila ng pangakong magiging kabilang si Mayweather sa mga dadalo sa ringside kapag nagharap na si Pacquiaop at Keith Thurman sa Las Vegas sa darating na Sabado (Linggo ng umaga sa Pilipinas).

“He’s very content,” ayon kay Leonard Ellerbe, katiwala ni Mayweather, sa artikulong lumabas sa Boxing Scene website.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Peace & Tranquility

A post shared by Floyd Mayweather (@floydmayweather) on


Ani Ellerbe, ninanamnam umano ni Mayweather ang oras niya sa labas ng ring, kasama ang kanyang pamilya at mga anak.

“He’s living his best life,” kuwento ni Ellerbe.

“I just talked to him earlier today. We went over some business stuff. He’s traveling, spending time with his kids, spending time with his family. He’s doing all the things that he never got a chance to do because boxing has consumed his life ever since he was 5 years old. 

“So truly, he’s getting to do stuff for really kind of the first time in his life. And he’s really enjoying it.” 

Pinaniniwalaang kumita ng higit kumulang $300 million si Mayweather sa laban nila ni Pacquiao. 

Pero ayon kay Ellerbe, kahit painan pa ng kahalati noon si Mayweather, siguradong hindi na kakagatin pa ito ng undefeated American fighter.

“Floyd has no interest,” dagdag ni Ellerbe

“He has zero interest. He’s been doing this all his life. And after a while, you get burned out. He’s given the sport everything.”

For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.