Sa edad na 40, bakit mas dapat katakutan si Pacquiao sa loob ng ring?

ABS-CBN News

Posted at Jul 17 2019 07:48 PM | Updated as of Jul 17 2019 08:08 PM

Bagamat nakikita niyang magiging mahirap na kalaban si Keith Thurman, kampante si strength and conditioning coach Justin Fortune na si Pacquiao pa rin ang mananalo. George Clavelo, ABS-CBN News

Simula nang tumuntong sa edad na 40 ang Pambansang Kamao at WBA welterweight champion na si Manny Pacquiao, naging mas maigting ang pagsusuri ng mga sports expert sa galaw nito sa loob ng ring.

Marami man ang duda sa kakayahan ni Pacman ngayon, napatunayan naman niya sa ilang kritiko na may ibubuga pa rin ito sa ibabaw ng lona matapos gapiin ang mas batang si Adrien Broner noong Enero sa Las Vegas.

Para sa Australian strength coach ni Pacquiao na si Justin Fortune, lalo pang humusay ang boksingero at mas nakakatakot. 

“He’s still there. He just gained a whole bunch of experience,” ani Fortune sa isang panayam. “He sees a lot more, he does a lot more and he’s more tactical. Yes, he’s had 70 fights but he’s the same Pacquiao, same super fighter, very strong with more experience. More dangerous now.”

Matagal nang magkakilala sina Pacquiao at Fortune dahil saksi siya kung paano nagsimula si Pacman bilang isang propesyonal na atleta nang pumasok ito noong 2003 sa Wild Card Gym ni Freddie Roach.  

“Sure he still surprises me, surprises me that he is still going, that he’s been champion or No. 1 in the sport for 16 years, which is phenomenal in any sport, especially in boxing. To be in that level for 16 years is crazy,” kuwento ni Fortune.

Sa darating na Linggo, muling tatayo sa corner ni Pacquiao si Fortune sa banggaan kontra Keith Thurman na 10 taong mas bata kay Pacman. Nananatili ring walang talo ang Amerikanong boksingero tangan ang 29-0 win-loss record.

Pag-amin ni Fortune, isa lamang si Thurman sa pinagpilian ni Pacquiao para makalaban.
“Everyone else was booked or had just fought. Thurman was available, Manny looked at it and he made the choice. He’s not handpicking,” pahayag nito.

“If he’s handpicking he could have fought someone else. But no, he wants to fight the best. He (Thurman) is the WBA champion and a dangerous guy.”

Bagamat nakikita niyang magiging mahirap ang dadaanan ng kaniyang manlalaro, kampante si Fortune na si Pacquiao pa rin ang mananalo. 

“It’s not an easy fight. Thurman’s definitely the best fighter we’ve fought in years but Pacquiao’s fast and stronger, better, helluva lot more experience. Manny feels he can beat him, we’re getting ready for it, it’s a very winnable fight,” dagdag ni Fortune.

Magtatagpo ang landas ni Pacquiao at Thurman sa Linggo ng umaga (Manila time) sa MGM Grand Garden sa Las Vegas, Nevada. — May ulat ni Dennis Principe

Para sa iba pang balitang pampalakasan, bisitahin ang ABS-CBN Sports website.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.