Kevin Durant, mainit na sinalubong ng Pinoy fans

ABS-CBN News

Posted at Jul 08 2018 09:07 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Isang pagsalubong na naaangkop sa isang kampeon ang ipinadama kay Kevin Durant (KD) sa kaniyang muling pagbisita sa Pilipinas.

Tinumbasan din naman ni Durant ng mainit na pagbati ang pagsalubong ng kaniyang mga tagahanga.

Pagbaba sa kaniyang sasakyan, lumapit kaagad si KD sa fans at nakipag-high five.

Marami sa fans ang matagal naghintay sa init ng araw at ulan.

Mayroong mga nagdala ng jersey at banners.

Mayroon pa ngang painting mula sa mga preso ng Bilibid.

Game namang nakipag-selfie si Durant sa fans.

Matapos bumati sa fans, may private VIP event muna si Durant bago siya nagpunta sa media event sa Makati.

Nagpunta si Durant sa Araneta Coliseum para sa kaniyang KD Hypercourt Team All Star Challenge kung saan si KD mismo ang magko-coach ng college players at magbabahagi ng kaniyang skills at sekreto kung paano magtagumpay.

-- Ulat ni TJ Manotoc, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.