Geisler nagsampa ng P1.5-million libel suit laban sa PTA executive

ABS-CBN News

Posted at Jul 07 2020 06:01 PM

MAYNILA -- Nagsampa ng P1.5 million libel suit ang 2-time Olympian na si Donnie Giesler laban kay Philippine Taekwondo Association (PTA) secretary general Rocky Samson sa Paranaque City Prosecutor's Office nitong Lunes.

Ito ay kaugnay sa mga statement na ipinalabas ni Samson patungkol sa mga webinar ni Geisler kung saan nag-participate ang ilang miyembro ng national taekwondo team.

"May statements sila, sports radio stations putting me in bad light. We want to get into the matter and tell the truth in his statement. He made it appear that I misled national team members," ayon kay Geisler.

Ang tinutukoy na national athletes ay sina Samuel Morrison at Arven Alcantara na nag-guest appearance sa kanyang online training session. 

Nauna nang sinabi ni Samson na labag sa protocol ng PTA na isama ang mga national team member sa anumang klase ng pagtuturo.

"The truth to that, when I invited those athletes, the purpose is to inspire my students," pahayag ni Geisler.

Sinabi pa ng dating premyadong national taekwondo jin na ipinalitaw umano ni Samson na nagulat ang mga participating athletes nang nakakuha sila ng honoraruim pagkatapos ng kanilang webinar.

"He (Samson) made it appear that I misled athletes, that they were surprised they got honorarium. They were aware from the beginning to the end when they received the honorarium," aniya.

Dahil dito, nagsampa siya ng kasong libel at cyber libel laban kay Samson.

Nauna nang sinabi ni Samson na alam naman ni Geisler ang panuntunan pagdating sa mga national athletes.

"The problem is really simple if you look at it. We simply reminded Donnie that there are set protocols in place. There are set protocols for the national team and this is where it all started," aniya.

Bago dumulog sa Quezon City Prosecutor's Office, nagsampa na rin ng kaso laban sa PTA si Geisler sa Philippine Combat Commission.

(For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website).