PBA: Ranidel, inaming ‘malaking adjustment’ ang pagpasok sa coaching

ABS-CBN News

Posted at Jul 01 2020 09:07 PM

Aminado si Ranidel De Ocampo na hindi niya magawang iwan ang basketbol kahit retirado na siya sa PBA. 

Kaya naman pumirma siya sa alok na maging deputy coach sa TNT KaTropa. 

"Basketball naman, 'yan na ang buhay ko. Basketball pa din naman, ibang career nga lang. Coaching (na). At least gusto ko pa rin 'yung ginagawa ko," saad ni De Ocampo sa PBA website

Mistulang reunion pagbabalik-KaTropa ni RDO kung saan siya nakapanalo ng 6 na kampeonato at 2 finals MVP.

BASAHIN: PBA: Ranidel de Ocampo joins TNT as assistant coach
https://news.abs-cbn.com/sports/06/29/20/pba-ranidel-de-ocampo-joins-tnt-as-assistant-coach

"Malaking adjustment ito para sa akin. Pero lahat naman diyan nag-uumpisa," aniya. "Sa ngayon, kung ano lang muna ang kaya kong gawin."

Nag-retire nitong Abril si De Ocampo na makailang beses na ring naging bahagi ng Gilas Pilipinas.

Para kay RDO, isa lang ang gusto niyang makamit, player man o coach. 
 
"Gusto kong maka-champion ulit 'yung team at manalo," aniya. 

" 'Yun naman ang gusto ko, makatulong sa team, and at the same time, matuto sa mga coaches." 

Para sa iba pang balitang pampalakasan, bisitahin ang ABS-CBN Sports website.  

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.