Basketball: Marcus Douthit boto kay Brownlee na ma-naturalize para sa Gilas

ABS-CBN News

Posted at Jun 30 2020 05:50 PM

Kung si dating Gilas Pilipinas player Marcus Douthit ang masusunod, si Justin Brownlee na dapat ang kuning naturalized player ng national team.

Sa interview sa "Extra Session" podcast, ibinahagi ni Douthit ang dahilan kung bakit pabor siyang maisama ang popular na Barangay Ginebra player sa Gilas.

“I think right now, he is perfect just because he can play different positions," ani Douthit, na parte ng national team na sumabak sa 2013 FIBA Asia Championship.

Dagdag pa niya, hindi na kailangan kumuha ng big man tulad ni Andray Blatche para magsilbing "import" ng Gilas. Mas importante, ani Douthit, ang versatility.

“Everyone is thinking like, ‘Oh, we need a big guy.’ Right now, the game isn’t all about big guys," paliwanag ni Douthit.

"We still have June Mar (Fajardo) and we still got (Kai) Sotto coming up, too. Those guys need some minutes for international playing.” 

Isa pang bonus kung si Brownlee ang ire-recruit ng Gilas? Kilalang-kilala na siya ng Pinoy fans.

"Justin has been playing in the Philippines longer than I have, so he knows everything and you don’t have to convince him to be a naturalized player. You don’t have to sell him to the country. He is on there," saad ni Douthit.

“I think that’s what they should be doing. He knows the country just as well as Filipinos that live there.”

Para sa iba pang balitang pampalakasan, bisitahin ang ABS-CBN Sports website.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.