TINGNAN: Samboy Lim dumalo sa graduation ng anak na summa cum laude sa UP

ABS-CBN News

Posted at Jun 29 2019 05:26 PM | Updated as of Jun 29 2019 11:11 PM

Nagtapos na summa cum laude si Jamie Christine Berberabe Lim sa kursong BS Mathematics sa University of the Philippines (UP) Diliman.

At ang isa sa pinakaimportanteng dumalo sa kanyang graduation ay walang iba kundi ang kanyang ama na si PBA legend Samboy "the Skywalker" Lim.

Matatandaang na-coma si Samboy nang mag-collapse sa isang exhibition game 5 taon na ang nakalilipas. Nakarekober naman ang dating PBA star at ngayon ay naka-wheelchair.

Umattend din sa okasyon ang ina ni Jamie na si dating pinuno ng Pag Ibig fund na si Atty. Darlene Berberabe. 

(For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.)