PBA: Coach Pido sa 50 points ni Stanley Pringle — ‘Parang ako lang nu’ng college’

ABS-CBN News

Posted at Jun 22 2018 09:28 PM

Hindi napigilang magbiro ni GlobalPort head coach Pido Jarencio matapos magtala si Stanley Pringle ng 50 points laban sa Columbian Dyip sa PBA Commissioner's Cup Biyernes ng gabi.

"Tonight is Stanley's show,” ani Jarencio sa postgame interview. 

“Nine 3-points tapos 50 points? Parang ako lang nu'ng college," dagdag niya sabay tawa kasama ang mga sportswriter.

Kilala si Jarencio, dating varsity player ng University of Santo Tomas noong dekada 80, na isa sa mga pinaka magaling na shooter ng kaniyang panahon; minsa'y umiskor siya ng 48 points sa isang laro.

Naging bahagi rin siya ng Barangay Ginebra kung saan siya nakilala bilang “The Fireman” dahil nagsisilbi siyang “pamatay-sunog” kapag humahabol ang kalaban.

Sa tulong ng 50 points ni Pringle, umangat ang GlobalPort sa ika-6 na pwesto sa standings na may kartadang 5-5, habang pinalakas nito ang tsansang makapasok sa quarterfinals.

For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.