Basketball coaches, sinasanay rin sa pagmamando ng players

ABS-CBN News

Posted at Jun 21 2017 08:56 PM | Updated as of Jun 22 2017 04:20 AM

Nagsama-sama ang ilang bigating basketball coaches para sa kauna-unahang World Hoops Clinic sa Marikina Sports Complex.

Pinangunahan ito ni dating Gilas Pilipinas head coach at kasalukuyang head coach ng Ateneo Blue Eagles na si Tab Baldwin.

Layunin ng event na lalo pang pag-ibayuhin ang kaalaman ng coaches sa sport na talaga namang malapit sa pusong Pinoy. Bukod sa pagsasanay ng mga manlalaro, nagkakaroon din ng training ang mga bagitong coach kung paano magmando ng kanilang players.

Nakasama ni Baldwin ang international coaches na sina Nacho Lezcano mula sa Spain, Pero Cameron na dating player na sinanay ni Baldwin sa New Zealand, at Nenad Vucinic, head coach ng Lebanon national team.

Kabilang sa mga gustong mag-training sa pagiging coach si 'The Slasher' Rodney Santos, retiradong basketball player na dating naglaro para sa Alaska at Ginebra. Naranasan niyang maging coach ang isa sa sa mga sikat na pangalan sa Pinoy basketball--si Tim Cone.

Matagal mang naglaro, itinuturing ni Santos na bagito pa rin siya sa coaching at marami pang gustong matutuhan.

Hindi lang beteranong coaches ang imbitado na lumahok sa World Hoops, basta interesado na magturo at mag-mentor ng kabataang basketball player, maaaring sumali.

-- Ulat ni Migs Bustos, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.