PBA: Sol Mercado, nakikita ang ‘never say die’ spirit sa NorthPort

ABS-CBN News

Posted at Jun 19 2019 08:58 PM

Nasaksihan nitong Miyerkoles ni Sol Mercado kung paanong lumaro ang NorthPort at tila nakita niya ang tatak-"NSD" sa kaniyang mga bagong teammate.

Lamang ng 25 points ang Rain Or Shine sa kanilang laro sa 2019 PBA Commissioner's Cup, ngunit hinabol ito ng NorthPort at nanalo sa overtime 107-105, kahit pa 8 lamang ang available player nito.

Kaka-trade lang ni Mercado sa NorthPort mula sa Barangay Ginebra kasama sina Kevin Ferrer at Jervy Cruz. Napunta naman sa Ginebra si Stanley Pringle.

Sa unang laro pa lang simula nang lumipat siya, napabilib si Mercado sa determinasyon ng tropa ni coach Pido Jarencio.

“That’s the kind of (never say die) culture I want to bring over here, because I think it’s a winning culture and it looks like they have it,” ani Mercado sa artikulong ipinost sa ABS-CBN Sports.

“Down 20, they never gave up. Obviously, that comes from the head coach (Jarencio)

Tulad ni Mercado, naglaro minsan para sa Ginebra si Jarencio.

“He came from the never-say-die culture, they kind of followed his lead and it was amazing,” paliwanag ni Mercado.

Para sa iba pang balitang pampalakasan, bisitahin ang ABS-CBN Sports website.