PBA: Calvin Abueva, inaming magulo ang buhay noong suspendehin siya ng liga | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
PBA: Calvin Abueva, inaming magulo ang buhay noong suspendehin siya ng liga

ABS-CBN News
Published Jun 14, 2020 02:11 AM PHT

Aminado si Phoenix Pulse forward Calvin Abueva na malaking dagok sa buhay niya ang mga kinasangkutan niyang gulo sa court, may isang taon na ang nakalilipas.

Matatandaang nakipagsagutan siya sa isang fan na girlfriend pala ni Ray Parks JR. at kasunod nito ang pananakit sa TNT player na si Terrence Jones.

Dahilan ang mga insidenteng ito para patawan siya ng indefinite suspension ng liga.

“Ako ang focus ko, bakit nangyari ’yun? Ba’t napunta sa ganoong sitwasyon? Laking dagok ’yun kasi ’yun ang time na ang pamilya ko magulo, buhay ko magulo tapos nagyari pa sa kin ’yun,” pag-amin ni Abueva sa online interview.

ADVERTISEMENT
Matindi ang naging epekto noon sa kaniyang hanapbuhay, dahil aniya hindi siya nakapaghanda.

Kung bibigyan raw siya ng isa pang pagkakataong malakarong muli ay sisiguraduhin niyang makakapagtabi siya ng pera para sa pamilya.

“ ’Yung time na ’yun walang wala akong naipon. Kaya ’yun nga, sinasabi ko once makabalik ako talagang pag-iipunan ko na. Lima anak ko, kailangan naming magkabahay, kailangan naming asikasuhin ang buhay namin," ani Abueva.

Nauna nang inamin ni Abueva na unti-unti na niyang kinukumpleto ang mga kondisyong iniatas sa kaniya ni PBA commissioner Willie Marcial, tulad ng public apology, drug testing at psychological therapy.

Dalawa sa anim na sessions ng ng therapy ang kanyang nadaluhan at aniya malaki ang naitulong nito sa mental well being niya.

“Sa dalawang psychology (sessions) ko parang nakakatulong sa akin at naging kumportable ang buhay ko. Andaming na-improve sa buhay ko about sa family at pakikisama sa tao,” sabi ni Abueva.

Naantala lang ang pagpunta niya ng sessions dahil sa nangyaring COVID-19 pandemic.

Parte rin ng kaniyang pagbabago ang pagbi-business at community service.

Dagdag ni Abueva, nagiging productive siya dahil sa kanilang pinapatakbong dampa restaurant at anumang sumobra sa kanilang kita ay ginagamit din niyang pang-donate sa mga nangailangan sa Taal eruption at COVID-19 pandemic.

“ ’Yung pinagagawa nilang community service, dinoble ko pa. Hindi naman ako taong mayaman, pero alam ko kung saan ako lulugar,” pahayag ng PBA superstar.

Para sa iba pang balitang pampalakasan, bisitahin ang ABS-CBN Sports website.