PatrolPH

Kampeon sa sports, pati na rin sa COVID fundraising sina Agatha Wong, Jamie Lim

ABS-CBN News

Posted at Jun 10 2020 06:33 PM

Tagumpay ang tambalang Agatha Wong at Jamie Lim sa paglikom ng pondo para sa mga frontliner na kumakaharap sa hamon ng COVID-19.

Nakapagkolekta sila ng higit kumulang P300,000 para sa mga frontliner na nakahimpil sa Philippine General Hospital at Quezon City General Hospital.

Ginamit din ang pondo para ipambili ng mga basic necessities, pati na recreational materials para sa COVID-19 patients.

"As athletes, Jamie and I knew that the physical aspect as well as the mentality of an individual matters for overall health," pahayag ni Wong, gold medalist sa 2019 Southeast Asian Games sa wushu, sa isang artikulong ipinost sa ABS-CBN Sports

"We believe that when the mind is healthy, the heart and body will follow."

Kapwa gold medalist ang dalawang atleta sa nakaraang SEA Games. Nakapanalo ng dalawang ginto si Wong sa wushu habang nagkampeon si Lim sa 61 kg women's karate.

Ayon kay Wong inaasahan nilang dadami pa ang pagpasok ng donasyon.

"Based on pledges, there will be more to come. We will be posting updates soon," aniya.

(For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website).

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.