PatrolPH

PBA: Leo Austria sa banggaan kontra Jaworski — ‘Di ko natapos ang laro’

ABS-CBN News

Posted at Jun 09 2020 11:22 PM

Bago naging premyadong coach ng San Miguel Beer, dati ring PBA player si Leo Austria mula noong 1980s hanggang 90s.

Tulad ng ibang mga player ng panahong iyon, nakalaro rin niya si Robert Jaworski at ang Ginebra.

Sa kwentuhan nila sa "An Eternity of Basketball" teleconference, inamin ng 8-time PBA champion coach na nagkabanggan din sila ni Big J. 

"That was the only time na nakaramdam ako ng hindi maganda. We're up against Ginebra, 1990 'yun," panimula ni Austria, na dating parte ng Formula Shell.

"Gusto kong bantayan noon si Jaworski, hindi papatol sa bata, sa rookie. 'Pag siya ang nagdala ng bola, hindi niya ako icha-challenge, hindi niya ide-dare kasi baka nga naman maagawan ko, rookie ako."

Sa isang partikular na play, di lang si Jaworski ang bumalya kay Austria kundi si Rudy Distrito pa umano.

"Malakas ang bangga niya sa akin, off balanced ako. Instead na saluhin ako, binangga pa ko ni Jaworski," pag-alala ni Austria.

"Alam mo naman malaki si Distrito. Almost na-dislocate 'yung right shoulder ko, few minutes na lang, I'm doing well at mukhang mapipili akong best player of the game. Pero di ko natapos ang game," dagdag ni Austria na inaming idol niya si Jaworski noong bata siya.

Maganda rin ang itinakbo ng karera ni Austria bilang PBA player kung saan nakapanalo siya ng isang kampeonato sa Shell bukod sa napili rin siyang 1985 rookie of the year.

Para sa iba pang balitang pampalakasan, bisitahin ang ABS-CBN Sports website

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.