PBA: 'Tinyente' ng Ginebra LA Tenorio, naging tubero sa bahay

ABS-CBN News

Posted at Jun 04 2020 02:16 PM

MANILA -- Sa nakakatuwang huntahan kasama ang kanyang mga kapwa PBA player, ikinuwento ni LA Tenorio ng Barangay Ginebra na marami siyang natutunan sa gitna ng quarantine na dulot ng COVID-19 pandemic.

Tulad ng mga kausap niya sa PBA Kamustahan na sina Gabe Noorwood ng Rain or Shine, Jeff Chan ng Ginebra at Jimmy Alapag na assistang coach ng San Miguel, kung anu-ano na raw ang kanyang naging papel sa bahay nitong nakaraang Luzon-wide lockdown. 

"I've done everything na 'di ko nagagawa before. I'm a plumber right now, carwash boy, professional cleaner. I fixed all the storage na 'di ko nagagawa before," pagsisiwalat ni Tenorio.

Pero ang hindi raw niya malimutan ay kung paano niya pinangatawanan maging tubero noong umapaw ang kanilang septic tank.

"Yesterday I was so stressed, may drainage in my garage, the septic tank overflowed. Imagine that?" kuwento niya.

Dahil hindi naman daw siya makatawag ng propesyunal ng tubero, minabuti na lang daw nilang pagtulungan ang pagtanggal ng bara.

"I had to pump... Oh my goodness. My boy at ako, we did it. It's funny. It's really bad timing, 'cause I cannot call anyone. I was busy pumping yesterday," aniya.

Pabiro pa niyang sabi sa mga kasama sa kamustahan, handa raw siyang magbigay serbisyo bilang tubero. 

"So if you need my service... You'll be surprised in this time of quarantine."

(For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website).